CABANATUAN CITY — Umabot sa 15 katao ang naitalang sugatan sa paputok sa 27 bayan at limang lungsod ng Nueva Ecija habang sinasalubong ang Bagong Taon.
Mas mataas ang bilang ng mga nabiktima ng paputok ngayong taon kaysa nakaraang taon, ayon kay Senior Supt. Antonio C. Yarra, Nueva Ecija police chief.
Pitong katao ang nasabugan sa lungsod na ito, tig-dalawa sa bayan ng Sta. Rosa at San Leonarsidentdo, at tig-isa sa bayan ng Aliaga, Gen. Natividad, Sto. Domingo, Guimba, at San Jose City.
Sinabi rin ni Yarra na walang naiulat na indiscriminate firing sa buong probinsiya.
Ito ay dahil sa mahigpit na implementasyon ng “Ligtas Paskuhan” ng Department of Health at iba pang ahensya ng gobyerno, aniya.
Samantala, isang pamamaril ang naganap sa bayan ng Cuyapo kung saan nasawi ang isang 41-anyos na magsasaka na si Rino Domingo.
Naaresto ang pinaghihinalaang bumaril kay Domingo na si Bonbon Quitalia, 32.
Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril. (Light A. Nolasco)