vilma-copy-copy

GANOON na lang ang pasasalamat ng isang loyal Vilmanian na hindi tinanggap ni Vilma Santos ang imbitasyon na maging isa sa mga hurado ng katatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kinukuha sana kasing maging isa sa mga jury ng 2016 MMFF si Ate Vi. Although, idinaan lang sa text message at wala namang pormal na invitation, agad nagpahayag ang Star for All Seasons na hindi kakayanin ng schedule niya ang mag-review ng walong pelikulang kasali sa filmfest.

“Blessing in disquise nga at ‘di niya tinanggap dahil alam naman nating hindi pinalad na magwagi si Nora Aunor at kahit isang award, eh, walang nakuha ang pelikula niyang Kabisera,” sey pa ng kausap namin.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

Ang punto ng kausap namin, kung natuloy si Ate Vi sa pagiging hurado ng MMFF ay tiyak na siya pa ang sisisihin sa naging kapalaran ng pelikula ni Ate Guy na nangamote sa awards, huh!

May kumakalat pang isyu ngayon na kesyo napulitika raw ang pelikula ni Nora at pati ang aktres daw mismo ang dahilan kaya hindi man lamang nag-uwi ng kahit isang award ang Kabisera.

Ang ikinalungkot pang lalo ng mga kaibigang Noranian, hindi man lamang umangat mula sa pagiging number two sa kulelat ang pelikula ng Superstar.

Hindi rin ito nabigyan ng kahit “Grade B” man lamang ng Cinema Evaluation Board. (Jimi Escala)