MIAMI (AFP) – Stranded ang libu-libong pasahero sa mga paliparan nang masira ang service computer system ng US Customs sa buong bansa nitong Lunes.

“Customs and Border Protection has nationwide outage. Expect delays in passenger processing until the system is restored,” anunsyo sa Twitter ng Fort Lauderdale’s airport, ang major hub para sa United States at Caribbean.

Sinabi ng tagapagsalita ng Customs at Border Protection department sa NBC News na mayroong disruption sa ilang paliparan at gumagawa na sila ng “immediate action” upang matugunan ang problema.

Sinabi ng isang opisyal sa Miami International Airport na apektado ng problema ang mga pasahero sa kanilang mahigit 30 international flights.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Kabilang sa mga apektadong paliparan ang Miami International, Atlanta Hartsfield, Boston Logan at Fort Lauderdale.