BALER, Aurora — Isang dating lider ng Communist Party of the Philippines o New People’s Army ang pinalaya ng isang hukuman bago mag-Pasko makalipas ang pitong taong pagkabilanggo.

Pinalaya ng Regional Trial Court si Delfin Pimentel, secretary general ng Aurora Provincial Party Committee ng CPP-NPA at miyembro ng Central Luzon Regional Committee (CLRC).

Halos pitong taon nakakulong si Pimentel bago siya pinawalang sala ng RTC Branch 90 at 91 dahil sa kakulangan ng matibay na ebidensya.

Kapwa pinagtibay nina Hukom Maximo Anchete at Trece Wenceslao ang pagpapalaya dahil na rin sa hindi pagsipot ng pangunahing testigo sa pagdinig ng korte.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Pinawalang-sala noon ni dating Judge Erwin Alaba ng RTC Branch ng Aurora si Pimentel sa kasong multiple murder.

Naharap din siya sa kasong frustrated murder kaugnay sa pag-ambush sa dalawang sundalo may 16 na taon na ang nakalipas.

Noong isang taon, dinismis din ang kasong illegal possession of firearms kontra kay Pimentel at kanyang asawa.

Si Pimentel ay nakulong sa Aurora Provincial Jail noong 2009.

Nasangkot din siya sa serye ng ambush sa mga sundalo at pagpatay sa pitong NPA na naging pawang mga espiya ng pamahalaan. (Light A. Nolasco)