Sa Enero 9 pa makakapasok ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Camarines Sur na sinalanta ng bagyong Nina noong araw ng Pasko.

Ito ang nakasaad sa memorandum na nilagdaan ni Governor Miguel Luis Villafuerte at ikinalat sa mga paaralan sa Districts 2, 3, 4 at 5.

Sinabi ni Vilafuerte na kailangang linisan at ayusin muna ang mga classroom sa paaralan na nagsilbing evacuation centers para sa mga lumikas na pamilya.

Pagkakataon din ito sa mga nasalantang pamilya na isaayos ang mga tahanan na napinsala ng Nina, dagdag niya.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Iniwan naman ng Villafuerte sa mga pribadong paaralan sa mga apektadong lugar ang desisyon kung sususpindihin ang klase. (Beth Camia)