VATICAN CITY (AP) — Idineklara ni Pope Francis sa kanyang pagbati sa Bagong Taon noong Linggo na magiging maganda ang 2017 kapag ang tao ay gumawa ng mabuti at itatakwil ang galit, kasabay ng panalangin niya para sa mga matapang na hinaharap ang terorismo na binabalot ang mundo ng takot at pagkalito.
“The new year will be good in the measure in which each of us, with the help of God, tries to do good, day by day, that’s how peace is created,” wika ni Pope Francis sa nagtitipong 50,000 pilgrim, turista at Romano sa St. Peter’s Square para sa kanyang noon blessing at mensahe sa New Year’s Day.
Pinayuhan ng Papa ang mga tao na “say no to hate and violence and yes to brotherhood and reconciliation.” Iniaalay ng Simbahang Katoliko ang unang araw ng taon sa tema ng kapayapaan.
Sinabi niya na hindi naging maganda ang simula ng bagong taon.
“Unfortunately, violence has struck even on this night of well-wishes and hope,” aniya, na ang tinutukoy ay ang pag-atake sa isang nightclub sa Istanbul na noong Linggo at ikinamatay ng 39 na katao.
“In sorrow, I express my closeness to the Turkish people, I pray for the numerous victims and wounded, and for all the nation in mourning,” ng Papa.
Kasunod nito ay nanalangin siya na palakasin ng Diyos ang lahat ng may mabubuting layunin na nagsusumikap na mabura ang “plague of terrorism and this bloodstain which is gripping the world in a shadow of fear and bewilderment.”
Bago nito, sa kanyang homily sa New Year’s Day Mass sa St. Peter’s Basilica, nagpahayag ng kalungkutan si Pope Francis sa “narcissist hearts” sa lipunan na nagiging “cold and calculating.”
“The loss of the ties that bind us, so typical of our fragmented and divided culture, increases this sense of orphanhood and, as a result, of great emptiness and loneliness. The lack of physical, and not virtual, contact is cauterizing our hearts and making us lose the capacity for tenderness and wonder, for pity and compassion,” aniya.
Ayon sa papa, ang pagpapakumbababa at paglalambing ay nagpapahiwatig ng katatagan, at hindi ng kahinaan.