Lumala pa ang pag-aalburoto ng mga bulkang Mayon sa Albay at Bulusan sa Sorsogon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dalawang beses na pagtibag ng bato o rockfall ang naitala sa Mayon habang tatlong pagyanig sa nakalipas na 24 na oras ang naitala sa Bulusan.

Wala namang naobserbahan ang Phivolcs na pagbuga ng abo ng dalawang bulkan.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa Mayon at Bulusan, na nangangahulugang nananatiling abnormal ang kanilang kalagayan, sabi ng Phivolcs.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Pinayuhan ang publiko na huwag pumasok 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng mga bulkan dahil sa panganib ng pagguho ng bato at lupa.

Huling sumabog ang Mayon Setyembre 18, 2014 at ang Bulusan noong Mayo 2015.

Ang pinakamatinding pagsabog ng Mayon ay noong Pebrero 1, 1814, kung saan libong katao ang nasawi at natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa sa Albay.

Ang Bulusan ang pang-apat na aktibong bulkan sa bansa. (Rommel Tabbad)