matteo-copy-copy

MARAMING dapat ipagpasalamat si Matteo Guidicelli dahil naging maganda ang taong 2016 para sa kanya. Kaya very thankful siya sa ABS-CBN, ang kanyang mother studio.

Super successful ang Dolce Amore na siya ang gumanap na third wheel nina Liza Soberano at Enrique Gil. Mula sa umpisa at hanggang sa magwakas, hindi man lamang lumaylay sa ratings game ang kanilang serye.

Ipinagpapasalamat din niya ang kanyang matagumpay na Matteo Made In Cebu concert.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Sa dalawang project pa lamang daw niyang ito last year, bukod pa ang kanyang recording career at kaliwa’t kanang provincial shows and endorsements, wala na raw siyang mahihiling pa.

“Especially Dolce Amore, you know, ‘yun ‘yung project of my life. Enjoy ako sa project na ‘yun plus siyempre I enjoyed working with people who are very talented and with my favorite director, Direk Mae Cruz,”sey ni Matteo.

Pinagbuhusan niya ng panahon ang kanyang Made In Cebu concert at nagpapasalamat siya kina Louie Ocampo, Rowell Santiago at Martin Nievera na umalalay sa kanya para maitanghal ito.

Ipinagmamalaki ni Matteo na sinuportahan nang husto ng mga kababayan niya sa Cebu ang concert niyang ito. Dahil sa malaking tagumpay nito sa Cebu, balak niyang dalhin ito sa Manila.

“That’s the plan, we hope to bring it here in Manila. Not just here, we hope we can bring it around in the Philippines,” lahad pa ng boyfriend ni Sarah Geronimo.

Ngayong taon, balak niyang mamahinga muna sa paggawa ng teleserye para mapagtuunan ng sapat na oras ang paggawa ng pelikula at ang kanyang second album.

“This 2017, I want to do more films. I wanna do more movies. I wanna do films that have more meaning, that can make a change in the society now. It can be mainstream, it can be an indie, it doesn’t matter.

“Basta something with good directors, good writers, something very interesting and something different,” wika niya.

Tatapusin na rin niya ang naumpisahan nang bagong album.

“That is a very personal album and with all-original songs,” pagmamalaki ng actor/singer.

So, tuluyan na ba niyang iiwan ang TV? Paano kung bigyan uli siya ng Dos ng magandang serye, tatanggihan ba niya?

“Well, hindi naman ganu’n. Gagawa pa rin naman ako ng mga teleserye. I mean, tingnan natin kung may magandang opportunity and magandang role. Sana kasing ganda or higit pa sa papel ko bilang si Gian Carlo sa Dolce Amore,” sagot ng Kapamilya actor.

Mas gusto niya ‘yung roles na may pagka-action.

“You know, I love ‘yung medyo astig na role. Sana next na gagawin ko, eh, ‘yung action teleserye naman,” lahad pa ni Matteo. (JIMI ESCALA)