INIULAT ng tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa rehiyon ng CARAGA ang kanilang matagumpay na rice program noong nakaraang taon.

Ibinahagi ng spokesperson ng tanggapan na si Emmylou Persilda sa isang forum na tinawag na “Knowledge Sharing and Learning for Local Media and Awarding of Partners,” sa convention center sa Butuan City, na naipamahagi nila nitong nakaraang taon ang kabuuang 372,520 kilong mataas na uri ng punla o high quality seeds (HQS) sa 3,852 magkasasaka.

Nakinabang ang 100 asosasyon ng mga magsasaka ng palay sa intervention package na binubuo ng hybrid/certified seeds, inorganic fertilizer, zinc sulphate at iba’t ibang kemikal na pamatay-peste at pamuksa ng sakit ng halaman.

Ayon kay Presilda, sa tulong ng programa ay naipamigay din ang 88,600 kilong rice seeds; 370,0000 kilong inorganic fertilizer; 3,400 kilong zinc sulphate; 3, 000 litro ng fungicide o bactericide; at 500 kilong rodenticides.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat

Naitatag din ang 30 farmer field school demonstration site.

Samantala, P23.6 milyon ang naibigay na alokasyon para sa konstruksiyon at rehabilitasyon ng irrigation facilities sa rehiyon.

Naitayo ang maliit na water impounding project sa SSDSU, San Miguel, Surigao del Sur, at naitayo rin ang diversion dam sa Ubod-ubod, Butuan City. Nagawa rin ang maliit na farm reservoir sa Maharag, San Miguel habang iniayos ang tatlong diversion dam sa Lanuza, Surigao del Sur; Bacuag, Surigao del Norte; at Buenvista, Agusan del Norte

Nakapagbigay din ang programa ng tatlong 4WD tractor, walong hand tractor, limang floating trailer at tatlong transplanter na nakatutulong na ngayon sa paghahanda ng mga magsasaka sa kanilang lupang tataniman. (PNA)