Hindi biktima ng indiscriminate firing ang 15-anyos na babae na hanggang ngayon ay comatose sanhi ng tama ng bala sa ulo, kundi biktima ito ng nag-aaway niyang mga kapitbahay sa Malabon City.

Ito ang naging pahayag ni Police Supt. Ariel Fulon, ng Malabon Police Station, base sa resulta ng kanilang imbestigasyon.

Ayon kay Fulon, agad silang nagsagawa ng follow-up investigation matapos makatanggap ng report na tinamaan ng ligaw na bala si Emilyn Villanueva, habang nanonood ng fireworks display sa Barangay San Agustin noong December 31, dakong 11:40 ng gabi.

Aniya, may mga saksi nakapagsabi sa kanya na may dalawang lalaki, kapitbahay umano ng biktima, na nag-away noong mga oras na iyon na 400 metro ang layo sa kinaroroonan ni Villanueva.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Nagtulung-tulong kami sa pag-iimbestiga at kasama pa namin ang ibang tauhan ng NPD, lumalabas na noong oras ding iyon na tinamaan ng bala si Villanueva ay ganon ding oras na nagpaputok ang suspek,” paliwanag ni Fulon.

Samantala, nanindigan naman ang Department of Health (DoH) na biktima ng ligaw na bala si Emilyn.

Taliwas ang naging pahayag ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial sa pahayag ng Malabon City Police.

“The theory of the police that this is gunshot or a stray bullet from a gunfire. We still categorize it as stray bullet from indiscriminate firing because the bullet hit the child on the head at the trajectory of a stray bullet, vertical,” paliwanag ni Ubial. (ORLY BARCALA at MARY ANN SANTIAGO)