AGRABYADO na kaagad ang Team Philippines matapos isama ng host country Malaysia ang limang bagong sports na walang panlaban ang Pinoy sa ika-29 edisyon ng Southeast Asian Games sa Agosto sa Kuala Lumpur.

May kabuuang 38 sports ang paglalaban sa biennial meet, kabilang na ang kakaibang laro na Bridge at Tarung Derajat.

Bagaman hindi kilala ang nasabing sports, hindi na ikinagulat ng mga opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkakasali ng nasabing mga laro dahil sa karapatan ng host na bansa na maglagay ng kanilang ninanais na disipliina.

Maliban sa Bridge at Tarung Derajat na kabilang sa category three, isasagawa rin sa unang pagkakataon ang winter sports na ice hockey at ice skating pati na rin ang sports na cricket na kabilang sa mga laro na nasa category two.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang 35 iba pang sports ay kabilang naman sa Olympic at Asian Games.

Una nang nakilala sa bansa ang larong Bridge kung saan nagawa ng mga manlalaro na makapagwagi sa una nitong paglahok sa Myanmar SEA Games habang hindi na rin napag-iiwanan ang Pilipinas sa sports na ice skating mula kay Winter Games veteran Michael Martinez pati na rin sa mga koponan sa ice hockey.

Tanging ang larong Cricket na mga pambansang laro sa India at Pakistan ang hindi pa naisasagawa sa bansa pati na ang Tarung Derajat. Wala ring lokal na asosasyon na namamahala sa dalawang sports.

Samantala’y patuloy naman na aapela ang mga responsableng national sports association na maibalik ang ilang inalis na event sa kababaihan tulad sa women’s boxing, billiards and snooker, sanda, at weightlifting pati na rin ang walong events sa athletics.

Mula sa 38 sports ay paglalabanan ang kabuuang 405 events sa torneo na isasagawa simula Agosto 19-31 matapos aprubahan ng Southeast Asian Games Federation noong Hulyo 14.

Ang mga regular sports na paglalaban ay ang Aquatics (Diving,13 medalya, Swimming, 40 medalya; Synchronized swimming (5) at Water polo (2), Archery (10), Athletics (46), Badminton (7), Basketball (2), Billiards and snooker (7), Bowling (11), Boxing (6), Cricket (3), Cycling (BMX (2), Road (5) at Track (13), Equestrian (7), Fencing (6), Field hockey (4), Football (4), Golf (4), Gymnastics (Artistic (12) at Rhythmic (8), Ice hockey (1), Ice skating ( Figure skating (2) at Short track speed skating (6), Judo (6), Karate (16), Lawn bowls (8), Muaythai (5), Netball (1), Pencak silat (20), Pétanque (7), Rugby sevens (2), Sailing (14), Sepak takraw (10), Shooting (14), Squash (9), Table tennis (7), Taekwondo (16), Tennis (5), Triathlon (2), Volleyball (2), Waterskiing (11), Weightlifting (5) at Wushu (17). (Angie Oredo)