biboy-copy

KUNG kailan tapos na ang Metro Manila Film Festival saka pa lumabas ang kontrobersiya sa asong kinatay sa Oro, pero habol pa naman ang isyu para maging curious ang tao at habulin ang showing nito. Sana lang, palabas pa rin ang nabanggit na pelikula sa maraming sinehan.

Dagdag sa kontrobersiya ang Facebook post ni Biboy Ramirez tungkol sa Oro na, “4 miners were killed for greed. One dog was killed for food. Justice for the dog or for the miners? We have successfully unmasked some people who would rather see people killed for greed than seeing an animal killed for sustenance.”

Nagtatanong ang mga nakabasa sa FB post ni Biboy kung pag-amin ba niya ito na may kinatay ngang aso sa Oro.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Habang sinusulat ang item na ito, wala pang balita kung ano ang nangyari sa meeting ng MMFF execom at ng team ng Oro at mga taga-Philippine Animal Welfare Society (PAWS). (NITZ MIRALLES)