MUKHANG tuluy-tuloy na ang pagkakamabutihan nina Jennifer Lopez at Drake na magkasamang nagdiwang ng New Year’s Eve sa Las Vegas.
Sinamahan ng 47-anyos na Shades of Blue actress si Drake, 30, sa show nito Hakkasan Nightclub, at buong gabing nanatili sa tabi ng rapper. Inaliw ng Hotline Bling rapper ang crowd sa pagkanta ng kanyang hit songs kabilang ang Energy, at pinagbigyan din ang song request ng mga ito.
Bago ginanap ang konsiyerto, naiulat na magkasamang nag-dinner sina J.Lo at Drake kasama ang mga kaibigan sa Hakkasan, at nakitang nakasuot ng tuxedo si Drake at naka-red velvet halter dress naman si J.Lo.
Isang source ang nagkumpirma sa ET na magka-holding hands na lumabas sa venue ang dalawa dakong 2:30 ng madaling araw.
Naunang sumuporta si Drake sa residency show ni J.Lo sa Las Vegas na nagpasimula ng mga haka-haka na may relasyon na sila. Halatang nag-enjoy ang rapper performance ng superstar noong Disyembre.
Ilang linggo namang palaging namamataan na magkasama ang dalawa, kabilang ang kanilang dinner date sa West Hollywood, sa prom-themed party at sa intimate snap na ibinahagi nila sa Instagram. (Entertainment Tonight)