TAGUMPAY ang taong 2016 para sa Team Lakay ng Baguio City. Masagang bagong taon naman ang tiyak para sa kanilang star fighter na si lightweight champion Eduard ‘The Landslide’ Folayang.

Matikas na sinimulan ni Folayang ang 2016 sa impresibong panalo kontra Tetsuya Yamada ng Japan. Naging free-agent ang dating wushu champion, ngunit nanatili siyang pambatong fighter ng ONE Championship.

Nagbunga ang kanyang sakripisyo at paghihintay nang tanghalin siyang world champion.

Nioong Agosto, nagwagi si Folayang kay Adrian Pang, para makuha ang pagkakataon na sumabak sa ONE lightweight championship kontra Japanese MMA legend Shinya Aoki.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Natupad ang matagal nang pangarap ni Folayang nang gapiin niya via knockout si Aoki sa Singapore para masungkit ang world title.

Nasundan ang panalo ni Folayang bago matapos ang taon, sapat para tanghalin siyang ONE Championship “Fighter of the Year”.

Tinalo niya sa parangal sina Womens atomweight champion Angela Lee, featherweight champion Marat Gafurov, at long-time bantamweight champion Bibiano Fernandes.

Sa pagpasok ng bagong taon, inaasahang hindi lamang si Folayang ang maghahari sa ONE, bagkus maging ang kanyang mga katropa at kababayang MMA fighter.