Nagpaabot ng pakikiramay si Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga Pilipinong sinalanta ng bagyong ‘Nina’.

Sa isang pahayag, sinabi ni Xi na handa ang China na magbigay ng emergency assistance at umaasa rin na makakabangon muli ang mga binagyong Pinoy.

Nanalasa ang bagyong Nina sa hilaga ng Luzon sa mismong Araw ng Pasko na ikinamatay ng tatlo, at 21 ang nawawala, batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Apektado ng bagyo ang 424,223 pamilya o 1,893,404 na katao sa 1,698 barangay sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, V, at VIII. (Beth Camia)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco