PRESIDENT QUIRINO, Sultan Kudarat - Tinatayang 40 kataong armado na pinaniniwalaang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang namataan sa hangganan ng mga bayang Sultan sa Barongis at General SK Pendatun sa Maguindanao ng mga sundalo at Cafgu noong bisperas ng Bagong Taon.

Sinabi ng ‘di nagpakilalang opisyal mula sa pamunuan ni Lt. Col. Joel Mamon ng Army 40th Infantry Battalion na nag-alangan ang grupo na tumawid sa kanilang teritoryo na malapit sa kinahihimpilan ng 33rd IB.

Hindi na rin tumuloy ang grupo at bumalik sa liblib na bahagi ng Liguasan Marsh, ayon sa opisyal.

Sa panayam kay Lt. Col Ricky Bunayog ng 33rd IB, maari nag-alangan ang mga armado dahil noong Disyembre 2015 ay sinalakay ng grupo ng isang ‘Kumander Magnum” ng BIFF sa mga sundalong nakatalaga sa Sitio Sumilalao, Barangay Katiku, President Quirino.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Tiniyak pa ng opisyal na hangad nila ang kapayapaan ngunit hindi nila isinaalang-alang ang seguridad ng mga nananahimik na mga mamamayan sa kanyang nasasakupan. (Leo P. Diaz)