BUTUAN CITY – Tatlumput-anim na pasahero ng isang bangkang lumubog sa karagatan ng malapit Barangay Baybay, Surigao City noong Enero 1 ang nailigtas, ulat ng police regional headquarters dito.

Isa namang pasahero ang pinaghahanap pa.

Kinilala sa report ang lumubog na bangka na “MB Calynnlyn” na galing sa Surigao City at papuntang San Jose sa Dinagat Islands.

Mga kasapi ng Maritime Unit, Philippine Coast Guard at Surigao City Quick Response Team nag-rescue sa 36 pasahero at tatlong tripulante.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nawawala pa rin ang pasaherong si Analyn Edradan, 38, na taga-Barangay Gomez sa Dinagat matapos ang limang oras na paghahanap sa kanya ng mga rescuer.

Sinabi kahapon ni Surigao City Mayor Ernesto T. Matugas na isa pang rescue team mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Council ang tumutulong sa paghahanap kay Edradan.

Dinala ang mga nasagip na pasahero sa Surigao City Hospital, dagdag ni Matugas.

Sinasabing sinalpok ang Calynnlyn ng malalakas na alon at hangin kaya tumaob ito. (Mike U. Crismundo)