GENERAL LUNA - Isang 4.2-magnitude na lindol ang tumama sa bayan ng General Luna sa Surigao del Norte sa unang araw ng bagong taon, ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ito ang unang lindol na naitala ngayong 2017.

Ang lindol ay nasa limang kilometro sa ilalim ng lupa.

Walang naiulat na nasugatan o pagkasira. Hindi rin ito nasundan ng aftershocks.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Mga mas mahinang lindol ang naitala sa Bolinao, Pangasinan; Hinatuan, Surigao del Norte; Candoni, Negros Occidental; Baliguian, Zamboanga del Norte; Governor Generoso, Davao Oriental; at Calatagan, Batangas. (Aytch dela Cruz)