Ang bagitong boxer lamang na si John Yano ang nagwagi sa limang boksingerong Pinoy na sumabak sa Japan kamakalawa ng gabi na tinampukan ng pitong world title fights na anim ang napanalunan ng mga boksingerong Hapones.

Nagtala ng unang panalo sa tatlong laban si Yano via 4-round unanimous decision laban kay Katsuhide Murota sa Memorial Center, Gifu, Japan.

Nabigo naman si two-time world title challenger Rocky Fuentes sa pagbabalik sa boksing nang patulugin siya sa 4th round ni world rated super flyweight Shohei Omori sa 8-round bout sa Shimazu Arena sa Kyoto.

Sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo, natalo sa 6-round unanimous decision si Vincent Bautista kay undefeated Masataka Taniguchi at nabigo via 3rd round knockout si light flyweight Junuel Lacar sa wala ring talong si Hiroto Kyoguchi.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa Ariake Coliseum sa Tokyo rin, lumasap ng pagkatalo via 3rd round knockout si featherweight Carlo Demecillo kay rookie Japanese boxer Satoshi Shimizu sa kanilang 6-round bout. (Gilbert Espeña)