Maaari na ngayong mapakinabangan ng overseas Filipino workers (OFWs) ang mga serbisyo ng One-Stop Service Center for OFWs (OSSCO) sa 15 lokasyon sa labas ng Metro Manila.

Nagtatag ang mga sangay ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa rehiyon, kasama ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng OFW one-stop center sa mga sumusunod na lokasyon: Manna Mall, San Fernando City, La Union; City Tourism Office, Tuguegarao City, Cagayan; Baguio Convention Center, Baguio City; Clark Freeport Zone, Pampanga; OWWA Regional Office 4A sa Calamba City; Robinson Place, Puerto Princesa City, Pacific Mall, Legaspi City; SM City, Cebu City; Robinson Place, Iloilo City; Robinson Place, Bacolod City; DOLE Regional Office No. 8, Tacloban City; Goodwill Center, Zamboanga City; OWWA Regional Office No. 10, Cagayan de Oro City; Butuan City Hall Complex, Butuan City at New City Hall, Koronadal City.

Sa pamamagitan ng OSSCO, madali nang puntahan at asikasuhin ang mga dokumento na kailangan ng mga Pilipino na nagtatrabaho o nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa. Bukas ito mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. (Mina Navarro)

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress