Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang panukalang alisin ang mga kondisyon para sa “pagpapatawad” o condonation ng mga di-nababayarang buwis mula sa local water districts (LWDs) na nagkakahalaga ng P1.2 billion batay sa ulat ng Department of Finance (DoF).

Pinagtibay ng komite ang House Bill 42 na inakda ni Deputy Speaker at Marikina City Rep. Romero Quimbo. Isinama na rito ang HB 3675 ni Rep. Alberto T. Ungab (3rd District, Davao City).

Ayon kay Quimbo, kailangan ang kondonasyon o pagpapatawad sa back taxes dahil walang kakayahang pinansiyal ang LWDs upang mabayaran ang P1.2 bilyon.

Ipinagkaloob na noon ang condonation sa pamamagitan ng Republic Act 10026, ngunit nagbigay ng maraming kondisyon ang Bureau of Internal Revenue (BIR). (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?