Patay ang isang 80-anyos na sapatero makaraang saksakin sa leeg ng hindi pa nakikilalang suspek sa Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO3 Aldeen Legaspi, imbestigador ng Manila Police District (MPD)- Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), ang biktima na si Patronicio Endab, ng 18th Street, Port Area, Maynila.

Narekober ng mga pulis malapit sa bangkay ng biktima ang isang 10 pulgadang dagger knife na hinalang ginamit ng suspek sa pagpaslang sa biktima.

Lumilitaw na nadiskubre ang bangkay dakong 6:15 ng umaga kahapon, sa panulukan ng 12th Street at Atlanta Street sa Port Area.

Cielo Magno, bet masilip Blue Ribbon Committee report na ayaw pirmahan ni Sen. Robin Padilla

Sa salaysay ni Abdullah Macabago, kalugar ng biktima, huli niyang nakitang buhay si Endab dakong 3:30 ng madaling habang papunta siya sa bahay ng kanyang mga pinsan.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)