coco-at-julia-copy

BAGO pa man sumapit ang Pasko at dumalaw ang biological father ni Julia Montes last week ay naibulong na sa amin ng aming source na may tampuhan na naman sila ni Coco Martin.

Bagamat hindi pa umaamin sina Coco at Julia tungkol sa kanilang tunay na relasyon, napabalita na last quarter last tear na naghiwalay, at nagkabalikan, pero ngayon ay may tampuhan uli.

“Ang paborito mong secret lovers, may pinagdaanan na naman ngayon,” sabi ng aming spy.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

Simpleng tampuhan lang naman daw ang simula na nauwi sa hindi na pagkikibuan. Sa simpleng tampuhan din nagsimula ang napabalitang hiwalayan nila last Septermber.

“Nagdededmahan sila, walang gustong sumuko. Pero sana naman, eh, maayos nila ‘yan bago mag-Pasko,” sey ng source.

Nakarating na raw kay Coco ang komento ni Julia na walang dahilan para magkaroon sila ng “lovers quarrel” dahil wala naman daw talagang namamagitan sa kanilang dalawa, huh!

Nanghihinayang ang source namin at pati na raw ang mga taong malapit kina Coco at Julia kung hahantong sa “hiwalayan” (na naman) ang relasyon ng dalawa. Pero sana raw ay magkaayos uli. Magiging masaya raw silang lahat kung makikita nilang magkasama ang dalawa ngayong Bagong Taon.

Wala pang follow-up info ang kausap namin kung nagkabati na ang dalawa. Pero matatandaan sa interview ni Katotong Reggee Bonoan sa handler ni Julia kung ipinakilala ng dalaga ang binata sa kanyang ama, hindi raw.

Gayunpaman, suwerte sa isa’t isa sina Coco at Julia. Nasa tuktok ang kani-kanilang career. Hindi matalu-talo sa ratings sa primetime ang FPJ’s Ang Probinsiyano at namamayagpag rin ang seryeng Doble Kara ni Julia sa hapon.

(JIMI ESCALA)