Nakasanayan na ng ilang Pilipino na magpahula tuwing Bagong Taon, at dahil dito’y pinaalalahanan ng isang opisyal ng Simbahan ang mananampalataya na walang sinuman ang nakakaalam sa hinaharap.

“Our future cannot be predicted,” pahayag ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Ćonference of the Philippines Public Affairs Committee, sa isang panayam.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit hindi sang-ayon ang Simbahan sa panghuhula na kanyang inilarawan na, “occult practice.”

Sa mga nais maging masuwerte, ayon kay Secillano, kinakailangan nilang gawin ang tama at hindi sa kung ano ang sinabi ng manghuhula sa kanila.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“We should not allow ourselves be conditioned by what others claim may happen,” ani Secillano.

“We must strive hard and exert every ounce of effort to secure our future,” dagdag niya.

Matapos ang lahat, ayon sa VBCP official, “we are the masters of our destiny with God as our compass.”

(Leslie Ann G. Aquino)