BOGOTA (AFP) — Pinalaya ng National Liberation Army ng Colombia, na mahigit limang dekada nang kinakalaban ang pamahalaan, ang kanilang negosyanteng bihag nitong Sabado.

Pinakawalan na ng ELN si Octavio Figueroa, na dinukot nila noong Marso.

“My father was released by the ELN around midday in La Guajira, a village near Maicao, close to Venezuela,” pahayag ni Armando Figueroa.

Ayon dito, pinakawalan ang kanyang ama matapos magbigay ng ransom.

Internasyonal

Femicide? Babaeng model-influencer, tinodas ng impostor na delivery man

Isiniwalat ng nakatatandang Figueroa na hindi siya kumakain araw-araw, at siya’y minamaltrato.