stupid-is-forever-copy

MARAMING naidagdag na mga libro sa koleksiyon ng mga Pilipino ang ABS-CBN Publishing nitong tumalikod na taon.

Naging matagumpay ang 2016 para sa Philippine publishing. Bagamat patuloy ang panonood ng mga tao ng telebisyon at sine sa buong taon, marami pa ring Pilipino ang bumili at nagbasa ng mga aklat. Sa katunayan, higit na maraming aklat na binili at binasa ang mga Pilipino nitong 2016 kaysa noong 2015. Dahil na rin ito sa mas maraming bagong isinulat ng mga baguhan at kasorpre-sorpresang manunulat.

Mula sa ABS-CBN Publishing, ang Top Five Bestsellers nitong 2016 ay pinangungunahan ng President Vice: Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas na humataw at bumenta na ng 95,000 kopya sa buong Pilipinas.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa kanyang kauna-unahang aklat, nagbigay boses si Vice sa maraming Pilipino sa pamamagitan ng mga bagong “batas” tulad ng “No to PDA!,” “No to #NoFilter!,” at “No to paasa!” Siya ang kauna-unahang pangulong nagbigay halaga sa ating karapatang umibig, mabuhay, at “chumorva.” Ano man ang makuha ng mga mambabasa sa kanyang mga pahayag, siguradong natawa rin sila.

Ang Stupid is Forever at Stupid is Forevermore ang nangunang mga aklat sa 2014 at 2015. Namayapa man ang ating minamahal na senadora na si Miriam Defensor Santiago, patuloy na binibili ang kanyang mga libro na bumenta pa rin ng 80,000 kopya nitong 2016. Patunay na malakas pa rin ang impluwensiya at may napupulot na aral ang mambabasa sa kapita-pitagang senadora. Ang kanyang koleksiyon ng quotes, jokes, at speeches ay nagpapatunay na #MiriamIsForever.

Kasalukuyang tumatabo sa Metro Manila Film Festival ang Vince & Kath & James, pero alam n’yo ba na ang nagsimula bilang serye ng pitong aklat ay unang bumenta ng 75,000 copy nang ilabas ng ABS-CBN Publishing?

Ang love story na inilahad sa pamamagitan ng text messages ay sinubaybayan ng napakaraming Pinoy kaya minabuti ng ABS-CBN Publishing na isalin sa aklat ang tinatawag na “socialserye” mula kay Queen Elly (Jenny Almocera sa totoong buhay) noong Marso.

Samantala, nang magwagi sa eleksiyon nitong Mayo, nagkaroon ng “unofficial guide to understanding how the Philippine’s most powerful mind works” sa pamamagitan ng aklat na The Duterte Manifesto. Dito mababasa ang sumikat nang “quotable quotes,” pahayag, jokes, at pati na rin ang mga pangako ng bagong pangulo ng bansa.

Bukod sa nakakaaliw basahin, ang bahagi ng kinita ng aklat ay ipinagkaloob sa Davao Children’s Cancer Fund Inc. – House of Hope.

Matapos namang tulungan ang kababaihan para makalampas sa mga paghamong dulot ng pakikipaghiwalay sa karelasyon, ang best-selling author na si Alex Gonzaga ay nagbalik sa pamamagitan ng aklat na tumatalakay sa isang bagay na bagamat malinaw ay malabo pa rin sa karamihan ng mga Pinay, ang pakikipag-date.

Ang isa sa mga tumatak sa librong We’re Dating. Tama, Mali?!, na bumenta ng 35,000 copies, ay ang, “Love is a risk, and dating is the test that will help you decide if you want to take that risk.”

Bukod sa mga aklat na humataw, mayroon ring honorable mentions ang ABS-CBN Publishing. Ang mga ito ay nagtagal sa bestsellers list ng ilang bookstores nitong nakaraang taon sa pagbenta ng umaabot sa 10,000 kopya: Lakompake ni Senyora, #Goals ni Andrea Brillantes, Habang Wala Pa Sila ni Juan Miguel Severo, at The Wrong Message ni Queen Elly.