Habang isinusulat ang balitang ito, nasa kritikal na kondisyon ang isang dalagita matapos tamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Malabon City, kahapon ng hatinggabi.

Kasalukuyang nasa intensive care unit si Emilyn Villanueva, 15, ng Barangay San Agustin ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Ayon kay Valerie, kaanak ng biktima, bandang 11:40 ng gabi ay nanonood sila fireworks display sa labas ng kanilang bahay habang sinasalubong ang Bagong Taon.

Bigla na lang umanong bumulagta sa semento si Emilyn at nagulat na lang umano si Valerie na nagdudugo na ang ulo ng biktima.

Cielo Magno, bet masilip Blue Ribbon Committee report na ayaw pirmahan ni Sen. Robin Padilla

Dito na nadiskubre ng mga kaanak ng biktima na tinamaan ito ng ligaw na bala kaya mabilis na nila itong isinugod sa ospital.

Ginalugad naman ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang lugar ng biktima, ngunit hindi nila nahuli ang nagpaputok ng baril.

Nananawagan ang pamilya ni Emilyn na sana’y sumuko ang suspek o kaya nama’y tulungan sila sa gastusin sa ospital.

(Orly L. Barcala)