LAUSANNE, Switzerland (AP) — Pinatawan ng ‘provisional suspension’ng International Bobsled and Skeleton Federation ang apat na Four Russian bunsod nang pagkasabit sa droga sa paglahok sa 2014 Winter Olympics sa Sochi.

Ipinahayag ng federation nitong Biyernes na kaagad silang umaksiyon matapos matanggap ang report mula sa International Olympic Committee (IOC) hingil sa resulta ng imbestigasyon sa apat na atleta.

Ang pahayag ay naganap ilang araw matapos ilabas ang ikalawang report ni World Anti-Doping Agency investigator Richard McLaren hingil sa kaso ng doping sa Russia.

Sa naturang report, higit na nabigyan linaw ni Mclaren ang ginawang manipulasyon sa mga samples ng atletang sumabak s 2014 Winter Games.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“It has been a hard time for all of us in sports after the publication of the McLaren Report,” pahayag ni IBSF President Ivo Ferriani.

“The IBSF is fully committed to ensure all necessary steps will be taken to gain back the integrity of sport - this will require joint efforts by all stakeholders.”