MAYANTOC, Tarlac – Humigit-kumulang na 31 kambing ang ninakaw sa Barangay Mamonit, Mayantoc, Tarlac, Sabado ng madaling araw.

Ayon sa Mayantoc police, ang mga kambing ay pag-aari ni Bartolome Razalan, 77, isang magsasaka.

Ang pagnanakaw ay inireport ng anak ni Razalan na si Rufu, 55, municipal physician.

Batay sa pag-iimbestiga ni PO3 Zaldy Millagracia, dakong 4:00 ng hapon nang iwan ng magsasaka ang 43 kambing sa kural ng kanyang bahay.

Probinsya

CDO mayor, ipinag-utos pagbawas ng pagkonsumo sa kuryente, petrolyo bunsod ng tensyon sa Middle East

Nang magbalik siya kinabukasan ay nawawala ang 31 kambing.

Sinabi ni Razalan na nakalimutan niyang ikandado ang gate ng kural.

Leandro Alborote