INAMIN ni Vanessa Hudgens sa Yahoo Celebrity na hindi na niya maalala ang kanyang huling engrandeng pagsalubong sa Bagong Taon

“I kind of prefer just being at home with my close friends and just having a party at the house,” paliwanag ng aktres. “I like having a party at the house and decorating festively. Being able to control the playlist is always a bonus, and I love popping Champagne at midnight!”

Pero kung tatanungin kung paano niya ipinagdiwang ang mga nakaraang Disyembre 31, iba ang isasagot niya. Noong kanyang kabataan, laging nakatutuwa at kaabang-abang ang mga plano ng High School Musical alum para sa Bagong Taon.

Gayunman, isa sa mga hindi makalilimutang alaala ng Bagong Taon ang “boring” na panonood ng Dick Clark’s New Year’s Rockin’ Eve kasama ang kanyang pamilya.

Jowa ni Klarisse De Guzman, binweltahan ang basher: 'You crossed the line!'

“When I was 15 or 16, I spent New Year’s in my mom’s bed with my sister and my mom. We all watched the ball drop together on TV,” aniya. “At the time, I was like, ‘Ah this is such a bummer; I wish I was out with my friends.’ But looking back, I see how beautiful it was that we got to have that memory together.”

Nang salubungin ang 2016, kasama ni Vanessa ang kanyang mga co-star sa Grease Live! Bagamat ibinahagi niya na simple lang lagi ang pagsalubong niya tuwing Bagong Taon, inihayag niya na kailangang laging on point pa rin ang kanyang mga outfit.

“I’m like the biggest holiday person,” saad ni Hudgens. “So any single holiday that you throw at me, I’m going to be dressed for that holiday. I’m going to be in that spirit!”

Hindi gaanong excited ang 28 taong gulang na aktres sa New Year’s resolutions. “I feel like I set goals frequently for myself, and New Year’s is just another great excuse to set new ones.” (Yahoo Celebrity)