Umakyat na sa P107 milyon ang jackpot ng 6/58 Ultralotto makaraang walang makakuha ng winning combination nitong Biyernes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabola sa 6/58 Ultralotto nitong Biyernes ng gabi ang mga numerong 38, 58, 23, 42, 34, 08.

Bagamat walang naka-jackpot, lima ang nanalo sa limang nabolang numero at nakapag-uwi ng P248,680 bawat isa, may 539 ang nakaapat na numero at 12,912 ang nakakuha ng tatlong numero.

Sa Enero 6 ang susunod na Ultralotto draw, at P107 milyon na ang mapapanalunang jackpot. (Jenny F. Manongdo)

Relasyon at Hiwalayan

Franki Russell, Enrique Gil naantala ang pagkakamabutihan