TARLAC CITY – Isang umano’t kilabot na tulak ng droga ang naaresto sa buy-bust operation sa Sitio Molave sa Barangay San Isidro, Tarlac City.
Arestado sa buy-bust si Jonas Castro, 44, may asawa, ng nasabing lugar, na nahulihan ng apat na plastic sachet na may 0.395 gramo ng hinihinalang shabu, isa pang transparent plastic na may 0.157 gramo ng hinihinalang shabu, at P500 marked money.
Pinangunahan ni Insp. Wilhelmino Alcantara ang operasyon. (Leandro Alborote)