WASHINGTON (AFP) – Pinuri ni US President-elect Donald Trump noong Biyernes si Russian President Vladimir Putin sa pagtitimpi sa Washington sa mga ipinataw na pampahirap kaugnay sa diumano’y pangingialam sa halalan noong Nobyembre.
‘’Great move on delay (by V. Putin) - I always knew he was very smart!’’ tweet ni Trump.
Nauna nang isinantabi ng lider ng Russia na gumanti rin ng pagpapatalsik sa mga opisyal ng Amerika sa iringan kaugnay sa sinasabi ng Washington na pagsisikap na sirain ang interes ng US kaugnay sa November 8 election.