Pinosasan ang isang barangay tanod matapos walang habas na magpaputok ng baril sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Sa kulungan nagdiriwang ng Bagong Taon si Uldarico de Luna matapos siyang arestuhin sa pagpapaputok ng baril bandang 9:35 ng gabi, sa Abbey Road, Barangay Bagbag, Novaliches.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), ang 60-anyos na barangay tanod ng Barangay Bagbag ay lasing nang paputukin ang kanyang .45 pistol. Nagpapatrulya ang mga pulis noong gabing iyon nang marinig ang putok ng baril at agad-agad inaresto si De Luna.

Isinuko ni De Luna ang kanyang baril na kargado pa ng limang bala. Ayon sa mga pulis, bigo ang suspek na maipakita ang kanyang mga dokumento para sa nasabing baril.

Kasong illegal possession of firearms ang isinampa laban kay De Luna. Siya ngayon ay nakakulong sa Novaliches Police Station sa Barangay Nova Proper.

National

Romualdez sa Ombudsman: 'Follow the rule of law and due process!'

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni QCPD director Guillermo Eleazar ang mga gun owner na iwasan ang pagpapaputok ng baril, partikular na ang mga pulis.

“Our chief PNP Ronald ‘Bato’ dela Rosa gave us a stern order for a ‘zero casualty’ New Year celebration. Should a policeman commit the indiscriminate firing, for sure, we will follow him up for dismissal,” paalala ni Eleazar.

Nakiusap din si Eleazar na agad i-report sa awtoridad sakaling may mangyaring ganitong insidente sa kanilang lugar.

(Vanne Elaine P. Terrazola)