Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DoLE) na mareresolba ang pagdurusa ng mga magsasakang naapektuhan sa welga sa nag-iisang pabrika na namimili ng abaca sa buong bansa para i-export.

Siniguro ni DoLE Secretary Silvestre Bello III na reresolbahin ng kagawaran ang nabanggit na problema sa pagpasok pa lang ng Bagong Taon.

Napaulat na halos pitong buwan nang sarado ang Manila Cordage Company and Manco Synthetics Inc. sa Calamba, Laguna dahil umano sa welga.

Dahil dito, maging ang mga mag-aabaka na halos 90 taon nang hinahanguan ng kumpanya ay apektado na rin sa kawalan ng kabuhayan. (Beth Camia)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito