PAGTATAMBALIN daw ng ABS-CBN sina Robin Padilla at Jodi Sta. Maria sa isang teleserye na eere ngayong 2017.
Ito pa lang ang impormasyon na naitsika sa amin, dahil wala pa raw title at director, kaya sabi namin parang malabo pa.
Madalas ‘pag ganitong teleserye ang pinaplano, alam na kaagad kung sino ang director. O baka ayaw pa lang sabihin.
Tungkol sa iba pang bubuo sa cast, pinipili pa raw ng ABS-CBN, abangan na lang.
May nabanggit na si Robin kamakailan na may gagawin siyang teleserye ngayong Enero, baka ito na ‘yun.
Bagong tambalan ito at siguradong ang unang babantayan ay kung may chemistry sina Robin at Jodi. (Nitz Miralles)