CAMP NAKAR, Lucena City – Sa halip na magdiwang ng bisperas ng Bagong Taon sa bahay, ilan sa 37 pasahero ng bus na nasugatan ang kinakailangang manatili sa ospital makaraang masangkot sa magkahiwalay na aksidente sa bus sa mga bayan ng Unisan at Sariaya, iniulat kahapon ni Quezon Police Provincial Office Director Senior Supt. Rhoderick Armamento.

Ayon kay Armamento, dakong 2:30 ng umaga kahapon nang 26 sa pasahero ng DLTB bus (AQA-6765) na minamaneho ni Constan Magat ang nasugatan makaraang mahulog ang sasakyan sa tulay sa Barangay Muliguin sa Unisan.

Nanggaling sa Naga City ang bus at patungong Pasay City.

Kaagad namang naisugod ang mga biktima sa Unisan Community Medcare Hospital.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Sa Sariaya, sumalpok ang Lucena Lines Bus (WQK-495) na minamaneho ni Juanito M. Concha, 50, ng Bgy. Talisay, Tiaong, sa Isuzu 10-wheeler truck (RFK-394) na minamaneho ni Noel C. Gabayno, 36, taga-Bgy. Silangan, San Vicente, Camarines Norte sa Maharlika Highway, Bgy. Sampaloc 2.

Nasugatan ang lahat ng 11 sakay sa bus at dinala sa Greg Hospital. (Danny J. Estacio)