ramirez-copy

Haharapin ng pinagsamang Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission (POC-PSC) Task Force Southeast Asian (Sea) Games ang 37 national sports associations (NSA’s) sa Enero 6 at 7, 2017 upang alamin ang kondisyon at kapasidad ng mga pambansang atleta na makapag-uwi ng gintong medalya sa nakatakdang paglahok nito sa 29th Southeast Asian Games.

Sasalain ng Task Force ang listahan ng mga pambansang atleta na kabilang sa 650 katao nakalagay sa listahan ng mga posibleng makasama sa delegasyon ng Pilipinas sa paglahok ng bansa sa kada dalawang taong torneo sa Tagaytay City kung saan tanging hindi sasali ang Pilipinas sa larong cricket.

Itinakda mismo ng joint POC-PSC SEA Games Task Force ang dalawang araw na pakikipagpulong sa lahat ng mga kasaling national sports associations (NSA’s) para ireview ang performance, assessment sa sinalihang mga torneo at justification sa bawat atleta na nasa listahan ng isasabak sa torneo na gaganapin simula Agosto 19 hanggang 31, 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pagbabasehan ng Task Force ang itinakdang criteria para sa mga ipapadalang atleta ng kabuuang 37 sports sa paglalabanang 38 na itinakda ng host na Malaysia. Tanging hindi magpapadala ng lahok ang Pilipinas sa sports na cricket na hindi nilalaro sa bansa.

Lifehacks

ALAMIN: Tips para malagpasan ang ‘Petsa de Peligro’

“We want to know this early who are those athletes that each NSA’s wanted to sent to Malaysia for us to plan and help them in all means for them to win gold medal for the country,” sabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez.

Una na sa criteria na itinakda ng Task Force ay ang competitiveness, pagiging aktibong atlete at mismong justification ng kanilang asosasyon para isama sa pambansang koponan ang isang atleta. Ikalawa sa criteria ay tagumpay sa internasyonal na kompetisyon tulad sa nakalipas na Rio Olympics, World Level, 2014 Asian Games, Asian Level, Regional Level at Asian Beach Games.

Ang iba pang criteria ay ang (a) young and high potential athlete with define track record, (b) measurable qualifying level, (c) team events for review on case to case basis.

“We will talk talk to NSA on justification if iyong atleta ay dapat ba siyang ipadala. Hindi na puwede na exposure at lalaban ka lamang just because to fulfill a commitment sa international federation,” sabi pa ni Ramirez. “Hindi na ito paramihan ng atleta kundi medalya.”

Ang Task Force SEA Games ay binubuo nina Ramirez, PSC Commissioners Charles Raymond Maxey, Ramon Fernandez, Celia Kiram at Arnold Agustin kasama sina PSC executive director Atty. Carlo Abarquez at Ronnel Abrenica, senior executive assistant ni Ramirez at Philippine Institute of Sports (PIS) national training director Marc Velasco habang sa POC ay sina Tomas Carrasco, Jr. (Triathlon Association of the Philippines), David Carter (Philippine Judo Federation), Robert Mananquil (Billiards Sports Confederation of the Philippines), Joni Go (Philippine Canoe-Kayak Federation) at si Reyes (Philippine Karatedo Federation).

Ang nasabing grupo ang hahawak din sa paghahanda ng bansa para sa paglahok nito sa 2018 Asian Games, 2019 Philippine Sea Games at Tokyo 2020 Olympics. (Angie Oredo)