Nilamon ng naglalakihang apoy ang pagawaan ng pintura sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Pasig-Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 2:42 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang apoy sa packaging area ng H-Chem Industries Incorporation na matatagpuan sa F. Fasco Avenue, Barangay Santolan, Pasig City.

Inaalam pa ng mga arson investigator ang pinagmulan ng apoy na tumagal ng mahigit apat na oras at umakyat sa ikalimang alarma bago tuluyang naapula ng mga bombero.

Nahirapan umano ang mga pamatay sunog na apulahin ang apoy dahil sa mga nakaimbak na pintura at kinailangan pang gamitan ng kemikal upang tuluyang mapatay.

Wala naiulat na nasaktan at nasawi sa sunog na tinatayang tumupok sa may P20 milyon halaga ng ari-arian.

National

Mon Tulfo kay VP Sara: 'Pag nahalal bilang Presidente, tatlo na bobo naging Pangulo!'

(Mary Ann Santiago)