Pinagsabihan ng House committee on information and communications technology, na pinamumunuan ni Tarlac Rep. Victor A. Yap, ang National Telecommunications Commission (NTC) na paspasan ang plano nitong babaan ang interconnection charges sa voice calls upang maging unlimited na ang tawag ng publiko sa lahat ng network.
Sa pulong ng ICT Committee, ilang kasapi ang nagreklamo sa mga telecommunications services sa bansa dahil sa mabagal na Internet, dropped calls, at mahal na voice call charges sa ibang networks. (Bert de Guzman)