Sisimulan ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT)-Line 1 ang 2017 sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero nito.

Ang “Libreng Sakay sa January 1” ay isang pang-Bagong Taon na handog ng LRT-1 sa mga pasahero nito.

Batay sa paabiso ng LRT-1, libre ang sakay sa biyaheng Roosevelt-Baclaran at pabalik simula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang LRT-1 sa train service schedule nito ngayong Linggo, Enero 1, hanggang Lunes, Enero 2.

National

‘Pinas, ‘di makikipagtulungan sa ICC hinggil sa ‘interim release’ ni FPRRD – PCO Castro

Sa advisory, nabatid na ang unang biyahe ng tren mula sa Baclaran ay aalis ng 5:00 ng umaga habang ang last trip naman ay aalis ng 9:30 ng gabi.

Ang first trip mula sa Roosevelt Station ay aalis ng 5:00 ng umaga, habang ang huling biyahe ay 9:50 ng gabi.

Inaasahan namang babalik na sa normal ang oras ng biyahe ng LRT-1 sa Martes, Enero 3, na mula 5:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi tuwing weekdays, at mula 5:00 ng umaga hanggang 9:30 ng gabi tuwing weekends. (Mary Ann Santiago)