MAHUSAY na aktres si Iza Calzado pero humahanga rin siya kay Bea Alonzo na kasama niya ngayon sa teleseryeng A Love To Last ng ABS-CBN.
Nang humarap sa kanilang presscon, hindi itinago ni Iza ang malaking paghanga niya kay Bea.
“Ang galing-galing niya na para bang walang mahirap na role para sa kanya. Laking pasasalamat ko at dumating din ang pagkakataong makakatrabaho ko siya. I want to share some bonding moments at tiyak na makakapulot ako ng acting tips para lalong umunlad ang aking kaalaaman sa pagganap. I admire her so much for her versatility,” prangkang sabi ni Iza.
Excited din siya kung anong uri ng komprontasyon ang magaganap sa kanilang dalawa sa itatakbong istorya ng serye.
Palagi nga naman itong hinahanap sa mga teleserye. Ilang eksena pa lang ang nakukunan ni Direk Jerry Lopez Sineneng at halos wala pa silang dialogue.
Sa mapapanood na kuwento ay separated wife si Iza ni Ian who is seeking for an annulment of their marriage.
Pagtatagpuin ang landas nina Bea, an event organizer, at Ian na isa namang musician.
May pagkakontrabida ang dating ni Iza sa teleseryeng punung-puno ng twists. (Remy Umerez)