Pagkakalooban ng mga benepisyong pinansiyal, medikal at iba pang insentibo ang mga volunteer sa panahon ng bagyo, lindol, sunog at iba pang kalamidad sa mga lalawigan.

“Volunteer responders deserve to be rewarded by financial, medical and or other non-pecuniary benefits as a way to retain them for such emergency, disaster or calamity services, natural or man-made,” sabi ni Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo.

Aniya, may ilang volunteers ang nasawi at nasugatan habang nagre-rescue ng mga tao sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’ sa Leyte noong 2013.

Mahalaga ang panukala, aniya, dahil madalas na salantain ng kalamidad ang bansa. (Bert de Guzman)

Probinsya

Lalaking naglinis sa monumento ni Manuel Quezon, dinamitan pati rebulto!