dwayne-at-kanyang-ama-copy

HINDI lang siya ang Sexiest Man Alive kundi Best Son Alive rin.

Sinorpresa ni Dwayne “The Rock” Johnson ang kanyang ama na si Rocky Johnson, dating professional wrestler, ng bagong sasakyan nitong nakaraang Pasko.

Nag-post ng litrato sa Instagram ang Baywatch star kasama ang kanyang ama at ang bagong sasakyan, ngunit ang pinaka-sweet at touching sa post ng aktor ay hindi lang ang tungkol sa regalo.

Inilarawan niya ang kanyang ama bilang “minimalist” na “never asks me for much,” ikinuwento ni Johnson ang hindi nakakagulat at nakalulungkot na nakaraan ng kanyang ama. “Crazy story, my dad’s dad died when he was 13 years old.

ALAMIN: Paano maliligayahan ang isang owner kasama ang kaniyang pet?

That Christmas, my dad’s mom had her new boyfriend over for Christmas dinner. Her boyfriend got drunk and pissed on the turkey,” pagbubunyag ni Johnson.

“My dad went outside, got a shovel, drew a line in the snow and said if you cross that line I’ll kill you. The drunk crossed it and my dad laid him out cold as a block of ice,” dagdag niya.

Nang dumating ang mga pulis, sinabi ni Johnson na binigyan ng ultimatum ang kanyang ina: kung sino ang pipiliing patitirahin sa bahay, ang anak o ang boyfriend nito. “In front of the entire family, my dad’s mom looked at him and said get out. He was 13 years old and now homeless.”

Naganap ang insidente sa Amherst, Nova Scotia, Canada noong 1954, ayon kay Johnson. “He needed the bare minimum then, just like does now. I always think about that story and my dad having every odd stacked against him at 13, but he fought though it and still made something of himself.”

Hindi rin naging madali kay Johnson ang pagiging istrikto ng ama noong bata pa siya. Kapag sabay silang nag-eensayo, madalas nitong sinasabi sa kanya, “If you’re gonna throw up, go outside. And if you’re gonna cry, then go home to your mother.” (People.com)