Malaking tulong upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng krimen sa mga pampublikong sasakyan ang paglalagay ng identification (ID) card ng mga driver.

Ito, ayon kay Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), ay bilang suporta sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na obligahin ang mga PUV driver na magsabit ng ID sa mga minamanehong sasakyan.

“Noong nasa LTFRB pa ako, madali naming napo-prosecute ang mga pasaway na driver na nang-rape, nanakit at nang-argabyado ng pasahero dahil sa mga ID na naka-display sa passenger vehicle, kaya sana lahat ng pampasaherong sasakyan ay may ID na naka-display,” ani Inton. (Jun Fabon)

Rep. Diokno suportado Ombudsman sa lifestyle check, pagbusisi sa SALN ng mga kongresista