hidilyn-diaz-fr-poc-copy

Direksiyon ng sport sa 2017.

Iba’t-ibang tagumpay, kontrobersiya, kabiguan, trahedya at kalungkutan ang naganap sa loob ng sports ng bansa sa pagtatapos nitong Sabado ng gabi ng taong 2016.

Pahapyaw na naobserbahan ang inaasam na direksiyon ng sports sa bansa para sa taong 2017 sa pagpapalit kalagitnaan ng taon ng liderato ng Philippine Sports Commission habang nanatili naman sa liderato ang mga pamunuan ng naging tampok sa kritisismo na Philippine Olympic Committee.

Ang nakalipas na anim na buwan ang naging saksi sa nakaambang pagbabago sa susunod na anim na taon kung saan inaasahang sa unang araw ng taong 2017 ay agad na magaganap ang inaasam na pagbabago sa pamamalakad sa sports.

Lifehacks

ALAMIN: Tips para malagpasan ang ‘Petsa de Peligro’

Una na dito ang nakatakdang paglipat ng halos lahat ng mga atleta, coaches at maging buong pamunuan ng PSC patungo sa magiging bago nitong bahay sa PhilSports Arena hindi dahil sa pagbebenta sa 82-taong Rizal Memorial Coliseum kundi sa inaasam nitong pagpapasimula sa pagpapalaganap sa programa nito sa Philippine Sports Institute (PSI).

Sunud-sunod na rin ang magiging kaganapan sa paglulunsad nito sa PSI sa Enero 16 kung saan itatakda na rin ang paghahanda ng Pilipinas para sa paglahok nito sa 29th Southeast Asian Games sa Agosto 19 hanggang 31 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Gayunpaman, hindi makakalimutan ng bansa ang pamamayani ng women’s sports sa pagbibigay sa bansa ni weightlifter Hidilyn Diaz ng medalya pilak sa 2016 Rio De Janeiro Olympic Games at table tennis paddler Josephine Medina ng tansong medalya sa quadrennial sportsfests Rio ParaLympic Games.

Pinutol ng 20-anyos at 4-foot-11 mula Zamboanga City native na si Diaz ang dalawang dekadang pagka-uhaw ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil noong Agosto 5-21 matapos unang babaeng atleta na nakasikwat ng pilak sa may 13-kasali na women’s weightlifting 53-kilogram division sa pangatlo niyang pagsali sa world’s prestigious meet sa Riocentro Pavilion.

Isinalba nito ang pagkabokya ng mga Pinoy sa paligsahan matapos matalo isa-isa ang 12 iba pang mga atleta na lumalaban sa pitong iba pang sports.

Si Diaz ang unang Pilipina na naka-Olympic medal sapul nang bumahagi ang bansa sa Paris, France noong 1924 at unang nakapag-uwi ulit ng medalya matapos noong 1996 Atlanta sa boxing ni Mansueto “Onyok” Velasco.

Sinagip din noong Setyembre 7-18 sa 15th Summer Paralympic Games sa Riocentro Pavilion ng 46-anyos na si Medina sa pagkabokya ang limang Pinoy na sumagupa nang makatanso sa table tennis women’s singles class 8 na may pitong kasali mula sa anim na bansa.

Nagningning din ang 20-anyos na si Woman International Master Janelle Mae Frayna, na isa ring Bicolana at Albay pride gaya ni Medina, nang makumpleto ang kanyang ikatlo at huling grandmaster norms sa 42nd World Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan noong Setyembre 1 hanggng 14 upang maging ganap na unang Woman GM ng bansa.

Dinagdagan nito ang selebrasyon para sa Team Philippines matapos makuha ni GM Eugene Torre ang kanyang ikaapat na tanso sa iniuwing limang medalya sa biennial event matapos ang 1974 silver sa Nice, France sa record niyang paglalaro sa 23 Olympiad.

Nagpakita din ng gilas ng mga kababaihan sa Dragonboat matapos nitong iuwi ang unang gintong medalya sa ginanap na Asian Dragonboat sa Puerto Princesa sa Palawan na naging tampok sa pag-uwi sa lima sa walong gintong medalya na nakataya sa torneo noong Nobyembre.

Naging bahagi rin sa pagtatapos ng taon ang pro boxing kung saan si Manny Pacquiao pa rin ang nagdala ng liwanag nang makadalawang unanimous decision wins. Una ang paghiganti kay 2012 American Timothy Bradey, Jr. noong Abril 9 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada upang maiuwi ang bakanteng World Boxing Organization international welterweight title.

Pagkapanalo sa Mayo sa eleksiyon bilang senador at pitong buwang pamamahinga ay muling umakyat sa ring si Pacquiao noong Nobyembre 5 upang masungkit ang WBO World welter crown laban sa isa pang Kano na si Jessie Vargas sa kalapit na Thomas and Mack Center sa Las Vegas.

Nagwagi naman sa basketball international arena ang men’s national team o Gilas Pilipinas cadet sa ikalawa nitong torneo sa pagtibag sa host country Thailand, 97-80, para sa limang larong sweep sa 5th Southeast Asia Basketball Association Stankovic Cup sa Bangkok noong Mayo 28 at makapasok sa 6th FIBA Asia Challenge sa Tehran sa Setyembre 2017.

“Forget about Ronda Rousey!” sigaw ni Nunes sa sellout crowd. “She’s going to go do movies. Forget about her. She has a lot of money already.”

Nagwagi naman si Cody Garbrandt sa men’s bantamweight title sa tampok na laban matapos gibain ang defending champion na si Dominick Cruz para sa nakakasorpresang desisyon sa T-Mobile Arena na tradisyunal na end-of-the-year show ng UFC.

Lubha naman ikinagulat ng mga nanood ang kabiguan ni Rousey na hindi kinakitaan ng husay sa una nitong laban matapos na mabitawan ang kanyang korona kay Holly Holm, may 13 buwan na ang nakaraan na pinakauna nitong kabiguan sa MMA career.

“I knew I was going to beat (Rousey),” sabi ni Nunes. “I’m the best on the planet.”

Si Rousey ay kinilala bilang world’s most famous female athlete at combat sports trailblazer matapos itong bumulusok sa tugatog ng UFC. Bagaman natalo ay nakamit nito ang $3 milyon sa comeback bout habang si Nunes ay mag-uuwi ng $200,000.

Matatatandaan na hindi na lumaban si Rousey sapul noong Nobyembre 2015 matapos itong biguin ni Holm sa pamamagitan ng isang head kick sa isa sa biggest upsets sa kasaysayan ng MMA. (Angie Oredo)