Sa kasagsagan ng mainit na kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga, dinakma ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) ang aktibong cameraman sa ikinasang buy-bust operation sa Cubao, Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni QCPD director Police chief Supt. Guilor Lorenzo T. Eleazar ang umano’y tulak na si Anthony Martin, ABS-CBN cameraman, ng Taguig City.

Sa inisyal na ulat ng Cubao Police-Station 7, dakong 9:00 ng gabi kamakalawa nang isagawa ng mga operatiba ng Station Anti-Ilegal Drugs (SAID) ng QCPD-PS7 ang buy-bust operation sa isang fastfood chain sa P. Tuazon Cubao, Quezon City.

Nang magbabayad na ang poseur buyer kay Martin, agad nagsulputan ang mga operatiba ng SAID at tuluyang inaresto at pinosasan ang suspek.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakumpiska ng mga awtoridad kay Martin ang mga sachet ng shabu nagkakahalaga ng P50,000, drug paraphernalia at P3,500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong si Martin sa detention cell ng QCPD-PS7 at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Nagpahayag naman ang pamunuan ng ABS CBN na umiiral sa kanila ang drug free work place policy kaya hindi umano nila kukunsintihin ang mga katulad ni Martin. (Jun Fabon)