STA. MARIA, Ilocos Sur – Nagdilim ang buong Abra hanggang kahapon, ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ay makaraang magdulot ng malawakang pagkawala ng kuryente ang pagpapaputok sa isang kuwitis.

Dahil sa kuwitis, nasunog ang tatlong industrial Automatic Voltage Regulator (AVR) at ilang feeder sa main station ng Abra Electric Cooperative (Abreco) sa Bangued bandang 8:18 ng gabi nitong Biyernes, na nagresulta sa pagkawala ng kuryente ng buong lalawigan.

Napaulat na nasapol ng kuwitis ang main line na nagbunsod ng 30-minutong sunog na nagmukhang fireworks display makaraang dahil dito ay nagliwanag ang kalangitan ng Bangued, ayon na rin sa salaysay ng mga residente.

Ipinursige ng Abreco na kaagad na maibalik ang kuryente sa Bangued kahapon ng umaga ngunit bigo ito.

Probinsya

Lalaking naglinis sa monumento ni Manuel Quezon, dinamitan pati rebulto!

Napaulat na naapektuhan din sa insidente sa Abra ang mga bayan ng Burgos, Sta. Maria, Narvacan, Nagbukel at Santa sa Ilocos Sur. (FREDDIE G. LAZARO)