DASMARIÑAS, Cavite – Namatay ang isang babae makaraan siyang 39 na beses na saksakin ng napaulat na kinakasama niya dahil sa matinding selos makaraan silang magtalo sa loob ng kanilang bahay sa Molino-Paliparan Road sa distritong ito, iniulat ng pulisya kahapon.
Nagsaksak din sa sariling dibdib si Ferry Boy Acuesta makaraan niyang tadtarin ng saksak si Brenda Salles Culanculan, dakong 3:00 ng hapon nitong Biyernes.
Ayon kay PO2 Maria Rowena Espinosa, namatay si Culanculan habang ginagamot sa Pagamutan ng Dasmariñas.
Dinala rin sa kaparehong ospital si Acuesta ngunit kalaunan ay inilipat ng pagamutan.
Batay sa paunang imbestigasyon, pinagsasaksak ni Acuesta ang biktima dahil sa matinding selos. (Anthony Giron)