Tiniyak kahapon ng Department of Education (DepEd) na matutuloy ang pagbabalik-eskuwela sa Martes, Enero 3, sa mga paaralang nasalanta ng bagyong ‘Nina’ noong Pasko.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Planning Service and Field Operations Jesus Mateo na hiniling sa mga regional director sa mga lugar na matinding naapektuhan ng Nina na magpalabas ng memoranda sa kani-kanilang lugar upang ideklara ang pagbabalik-eskuwela sa Martes.

“The Regional Directors were asked to issue memo advising all to ensure resumption of classes on January 3 even in covered courts and other temporary learning spaces,” sabi ni Mateo.

Bukod sa pagsusuri sa mga pinsalang natamo ng mga eskuwelahan na hinagupit ng bagyo, tiniyak din ni Mateo na tuluy-tuloy din ang pagtukoy at validation ng DepEd sa mga guro at estudyante “who need assistance.”

Kasabay nito, siniguro rin kahapon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpapatuloy ang relief operations ng kagawaran sa libu-libong pamilya na sinalanta ng bagyo.

National

Record-breaking oil price hike, nakaamba: ₱19.62 sa diesel, ₱10.43 sa gasoline!

Sa ipinalabas na pahayag ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo, sinabi niyang kabilang sa mga saklaw ng kanilang relief assistance ang mga residente ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Region 8.

(Ina Hernando-Malipot at Rommel Tabbad)